October na enrollment ng 2nd semester..
kame ay nag-uusap ng aking kasanggang si tonton..
rap0y: anu pare mag-enroll tayo?
ton: sige saan?
rap0y: lasalle dasma tayo, try natin, basagin natin ang mundo ng pagkakonyo nila.
ton: okey yun.
enrollment is now going on....
grabehan yung pila, parang wowowee. Naiinis lang kameng dalawa, pero chill parin.
hindi ko na ikukwento yung tungkol sa pag-aaral namen dito, dahil maayos naman.
yung mga kyot happenings na lang. para naman hindi kayo tamarin basahin to.
so eto na....
nakilala namin ang mga barkada ni niko, lahat sila edible. hahahaha. ang sarap sumama sa kanila sa dahilang wala naman kaming masamahang iba. no choice eh. wala kaming kilala ni tonton masyado. kaya ayun nagsimula sa computer shop nila jun ang aming samahan. online games dito counter strike doon. naging close ang isa't-isa pero sa hindi inaasahang pagsasara nila jun nabawasan ng dalawa, yung isa nagstop lang muna sa pag-aaral. so ang naging tambayan ay bilyaran. doon na humusay sa bilyar ang isa sa amin si bok. (mahusay na nga ba?) hahahaha. sa lahat ng tropa ni niko doon ang pinaka naging close namin ay si reynan. galing makisama huwag mo lang hamunin sa inuman, eh ganun yung ginawa namin ni tonton kaya ayun naging hobby na namin yun. inom jan inom dito. pero minsanan lang naman hindi naman madalas pag trip lang namin ayun dun kami nauuwe sa inuman. hanggang sa mapakilala sa akin ni reynan yung gusto niyang babae na nagpasuko sa kanya at sumubok ang tatanga-tangang si rap0y. (ahahahaha) well parang pinutol ko na agad ang istorya. (ahahaha ulit) sige tuloy tayo. di naglaon nahulog ako sa babaeng yun. pinormahan ko yun. sarap niya kasama para kang may kasamang anino na hindi nagsasalita o kaya robot na kelangan mo pang pindutin para magsalita. (bwahahahaha) okey kame sa katunayan mutual understanding na, dumating na sa punto na "OO" at "HINDI" na lang ang dapat niyang isagot. pero tumigil ang oras noong sinabi niya na "tama na, may boyfriend na ako" BANG!! sakit sa bangs. well ano pa nga ba ang magagawa ni kawawang rap0y. edi tanggapin na lang ang masaklap na nangyari. at masaya naman siya sa desisyon niya eh. naging magkaibigan kami hanggang ngayon at sana ito na ang simula ng isang pundasyong mahirap matibag.
noong Enero na hindi ko lang alam kung anong eksaktong araw may nakita akong babae na tumambay kela kuya amboy. saktuhan lang ang itsura. pero alam niyo ba noong narinig ko siyang kumanta para siyang mabangong ulam na hinahabol mo yung amoy. kumalabog ng malakas ang dibdib ko. nagmarka ang mukha at boses niya sa akin at lagi ko siyang inaabangan kela mang edong o kaya kela kuya amboy, tumatak sa tenga ko nung kumanta siya ng "so slow" ng freestyle. at sinabi ko sa sarili na "isang araw magiging close kame ng babaeng to" di nagtagal. buwan ng Pebrero ika-labing-isa araw ng miyerkules. xempre washday yun inuman ang trip pagkatapos na klase. ang daming tao kela mang edong, inuman din ng ibang grupo. nandoon yung babaeng nagpapakilig sa tenga ko, di ko maalis ang mata ko sa kanya hanggang sa binati siya ni reynan ng happy birthday naguluhan ako birthday niya pala. hanggang sa pinansin na niya yung walang humpay na pagtitig ko sa kanya at sabi niya "kuyang naka violet bakit ang suplado mo?" BENG!! kinausap din niya ako sa wakas! "ako suplado? hindi naman eh" tapos tinanong niya yung pangalan ko at gusto mapatalon sa tuwa noong binigay niya na rin ang pangalan niya. grabe ang saya ko noong gabing yon! kinuha niya ang cellphone number ko at kinuha ko rin yung kanya. umuwe akong may ngiti sa aking mga labi..
tinext ko siya at hiningi ko ang friendster niya at binigay naman niya. hindi naglaon naputol ang komunikasyon. nagsend ako ng message sa kanya sa friendster, nagpalit daw siya ng number kaya di na siya nakatext sa akin. well okey lang yun.
hiningi niya ulit number ko at sa parteng yun hindi ko nahingi ang number niya. nag-antay ako ng text niya pero walang dumating, balik ulit sa friendster, message ulit "hiningi mo nga number ko di ka naman nagtext" kinabukasan nakarecieve ako ng text mula sa kanya "ayan na nagtext na ako ahh" *lundag, kalabog, takbo* hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. naging malapit kami sa isa't-isa, nalaman kong may boyfriend siya, sablay man sa puntong yun ang gusto ko maging close kami. hindi naman ako nabigo. teka bago may ma-offend (hindi po ito imbento, totoong nangyari to at wala akong inembentong linya dito. salamat po). so eto na dumating na sa puntong sabi niya sa akin na parang nahuhulog na daw ang loob niya sa akin at nagtapat din ako sa kanya na gusto ko siya noong una ko palang siya nakilala. pero may boyfriend siya kaya hindi ko hinawakan ang oportunidad na iyon. totoo ngang pag may tampuhan kayo ng minamahal mo biglang nahuhulog ang loob mo sa taong nandiyan para sayo. "shoulder to cry" ika nga. naging masaya kami sa pag-uusap lagi sa chat, nawirduhan sa mga bagay na parehas kaming nagugustuhan na kahit hindi na dapat magustuhan na isa sa amin ay nauuwi pa rin sa "favorite ko rin yun" weird na grabe. at noong nagpasukan sabay kami kumuha ng subjects, naghahanap ng klaseng dapat ay magkaklase kami. pero nauwi rin sa isang subject lang kami magkaklase. naging maayos ang pagsasama namin sa katunayan lagi ko siya kasama tumambay, kantahan kela mang edong.
kaya nahulog na ng sobra ang puso ko sa kanya umaasang sana ako na lang ang mahalin niya. dumating sa puntong "M.U." na naman. nagkakantahan kami kela mang edong, hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niya iparating sa kanta na bawat birit niya ay dapat titingin din siya sa akin. may gusto siyang marinig galing sa akin, na hindi naman masabi ng bobong ako. pero masaya ang buong araw kong iyon dahil sa kanya. sa katunayan bawat araw na magkasama kame lumulundag sa tuwa ang puso ko. dumating ang huling linggo na makakasama ko siya nasa dorm kame biyernes ng tanghali, sabay kame kumain, rekwes niya pa itlog na maalat. ang cheezy! (ahahahaha) sabay pahinga. hanggang malambing na kami sa isa't-isa. dumating sa punto na ang dapat ko na lang na sabihin ay "pwede ba tayo na?" pero dahil sa bobo ako hindi ko iyon nasabi. nagdikit ang aming mga labi, malambing kami sa bawat isa. ang nararamdaman ko noong gabing iyon wala na akong hihilingin pa kung hindi ang makasama lang siya. kinabukasan malambing kaming nag-uusap sa telepono at kahit noong mga sumunod na araw. pagsapit ng martes hindi na kame nagkita, naiintindihan ko iyon kasi baka nga naman busy siya at marami ang kanyang ginagawa. pero sumapit ang biyernes ng hindi parin kami nagkikita. (kyot diba?) well natanggap ni rap0y ang nangyaring iyon. siguro nga nakainom lang siya ng mga oras na iyon. sumapit ang isa pang linggo tumawag siya sa akin kung nasaan daw ako. papasok ako noon sa huling subject ko. pero hindi ko na lang itinuloy ang pagpasok dahil wala daw siyang kasama. hindi ko talaga siya matiis mahal ko eh. pero hanggang sa nagsawa na lang ako dahil sa paulit-ulit na nangyayari. at tuluyan ng sumuko. si rap0y ang tipong mas pipiliing masaktan kesa unahin ang pride. well siguro pag nagkita na kami ulit back to normal katulad noong una kaming magkakilala.
di naglaon sa cozy inuman ng tropa. si reynan ang may sagot ng lahat daming alak grabe puro "the bar" lasing na si reynan ang hanap na eh gulo (ahahahaha peace tau papa reynan) dito ko naman nakilala ang isa pang magpapatibok ng gasgas kong puso. napansin ko siya sa dahilang ang dami niyang gamit na paborito ko ang kulay. (purple o violet ang paborito ko) naging close kami ng babaeng toh pero hindi pa ganoon ka-close kaya gusto ko pa siya makasama at sana siya na ang makasama ko sa huli. subalit datapwat hindi pa daw siya ready magkaboyfriend kaya respeto na lang. mabait ako eh. pero sana sabihin niya sa akin dahil ako ay naghihintay lang sa kanya.
eto pa ang isang pagpapaalam. sa pagiging malaya namin ni tonton dahil sa bahay na inupahan namin. nakakalungkot iwan ang pagiging libre sa kahit ano mang oras. hawak namin ang oras namin. kahit anong gawin namin okey lang, walang pipigil sa amin. ang saya, sa katunayan hindi ko ito maipinta. kahit anong oras pagsapit ng madaling araw masaya pa ako dahil buhay ang gabi sa dasmalate. bagay sa mga katulad naming hindi natutulog ng gabi. inom jan inom doon lahat pwede naming gawin. lahat pwede naming makasama matulog. ang sarap ng buhay pag may sarili ka ng bahay. pero eto ang nakakalungkot ang mga kasama naming nag-usap usap na sana may dorm na tatambayan eh bigla kaming iniwan na nakalutang. hindi namin sila masisisi mga bata pa sila eh. hindi pa nila nararamdaman ang naramdaman namin ni tonton. nandiyan sila pag masaya at may trip. pero pag nagugutom kami wala kaming karamay galing sa kanila kung hindi si luigi at reynan lang. (uyyyy lakas niyo sa akin) sila ang minsang nagliligtas sa amin sa kagutuman. mahal namin yan. wala naman kaming galit sa ibang tropa. malawak ang pang-unawa namin eh. (kyot!) bago namin isara ang pinto ng pagiging malaya kumuha kami ng kaunting alaala. (picture2x). balik sa pagiging robot na kami. sunod sa utos ng magulang. ano pa nga ba ang magagawa edi sumunod na lang talaga.
hindi pa dito nagtatapos ang lahat. babalik ako sa iskwelahang iyon para sa aking mga kaibigan. ahahahahahaha. intayin niyo lang ulit ako. magsasaya ulit tayo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
xi ton ton..~ :D
ReplyDeletemgblog din aku ung version ni tonton :D
ReplyDelete