Wednesday, October 21, 2009

Kilalanin ang bawat isa

uunahin ko na ang matalik kong kaibigan.

Mark Anthony Alcazar a.k.a "tonton"
sa lahat eto ang kasama ko palagi, mahirap kaming paghiwalayin ng taong toh besfren nga eh. maalaga, galante, wild, at higit sa lahat RAW! (bwahahahaha) kaming dalawa lagi ang magkasama sa saya at sa lumbay o lungkot man. pangarap namin noong kami ay nasa elementarya pa lang ay magkaron ng sariling bahay at itong taon lang toh ay natupad ngunit meron pa ring sablay. di pa namin masyadong kaya mamuhay ng walang inaasahang suporta sa magulang. malambing ang taong toh kaso nga lang mauuwe sa RAWNESS! pero carry naman ni rap0y. pag nalasing toh grabehan para siyang nasa wild. (bwahahahaha) hindi mo siya kayang pigilan at ako naman ayaw ko lang talaga pigilin ang kahit na sino man. mas pinipili ko tignan ang mangyayare. kasi kung may mangyari man isang kakaibang karanasan yun para sa amin. demonyo ako e. (bwahahahaha) si tonton ang kabaliktaran ko dahil ang mga gusto niya kadalasan ay ayaw ko at ang gusto ko kadalasan ay ayaw niya. paano pre putulin ko na muna ang kwento sayo.

Niko Gerbert Oliveros a.k.a "niko"
siya ang isa sa tanga kong tropa (bwahahaha peace tayo, joke lang yun) mapagkakatiwalaan mo siya ng malupit kunwari may lihim ka na dapat ay hindi mabubunyag sabihin mo lang sa kanya kinabukasan alam na ng buong tropa, astigin hindi ba? kyot! siya ang "smiling face" ng barkada cute kasi siya pag nakangiti (bwahahahaha) hindi siya marunong tumanggi sa mga utos pero pag tumanggi siya ibig sabihin hindi mo talaga siya mauutusan. nagkaroon ng sungay sa akin to eh. (bwahahaha) hindi ka rin iiwan nito "minsan" sabay na rin kami lumaki ng taong toh simula noong nasa elementarya pa lang kami. malakas sa inuman pero nagsuswimming sa sahig ng kubeta at pag lasing na makulet at madaldal pa sarap niyang gaguhin pag lasing pero pag seryosohang usapan ayos toh. madaming maisasagot sayo toh. matalino tong taong toh. putulin ku na rin muna.

Reynan Bauto a.k.a "reynan"
hindi ko alam kung Bauto talaga ang apelyido nitong taong toh eh. pero siya ang tumatayon tatay ng buong tropa. maangas pero may ipag-aangas. nakilala namin to na malakas uminom pero ngayon sinusukuan na kami ni tonton. (bwahahaha peace tayo nan) galante sa kahit ano mang oras. isa sa mga naging kasangga namin ni tonton. nakita ko na rin siyang nalasing grabehan ayaw na ang hanap, buti na lang yung away hindi siya hinahagilap kung hindi marami na kaming kaaway sa lasalle dahil hindi naman namin iiwan ang tatay namin eh. (asa kayo) makaaway niyo ang isa sa amin paktay kang bata ka. masipag mag aral tong si reynan pero masipag din uminom. kung may problema ka hingi ka lang ng tulong sa kanya tutulungan ka niyan. kaya lab na lab namin si itay e. putulin ko na rin muna itay.

Ace Vejerano a.k.a "ace"
etong taong toh ang masaya kasama walang alam kung hindi kabastusan (bwahahaha peace tau ace) makulet tong taong toh, isa sa mga prankang taong nakilala ko sa lasalle. malabo nga lang ang mata pero ang gusto isuot ay shades. di mo maaasahan sa inuman pero pag may malaking celebration iinom toh. daming alam na kagaguhan nitong taong toh. walang hiya in-short, walang paki-alam sa mga mararamdaman ng nasa paligid niya basta masabi niya ang nasa loob niya. maingay ang bunganga. masaya pag nakakakita ng mabuburaot niya. hindi ka malulungkot pag siya ang sinamahan mo. madaming baon na kalokohan tong ace na toh. madaming nabubuong salita kasi nga madami siyang alam. patok sa mga chicks toh gwaping eh. pero bakla ang asar namin dito kamukha daw kasi niya si toooooot. (bwahahahaha) pinaka panalo sa kanya ay ang kanyang walang kupas na paghikab at ang "cheering face" slogan na niya yan. (bwahahaha) eto ang isang taong mamimiz ko ng sobra. putulin ko na muna dito ace.

Jatmar Hechanova a.k.a "bok"
pinaka adik sa amin sa bilyar nagmamasteral siya sa subject niyang iyon, kyot diba? kababayan ko tong taong toh, taga Negros Occidental din. nakakasabay sa salitang ilonggo. pansin ko dito sa taong toh simula pagdating niya sa tambayan eh hawak na agad ang tako at may kalaban na naman. husay din sa dota, mamawan ang labanan. lakas din humupak ng yosi. sa payat niyang iyon grabehan. dapat bawat bati mo sa kanya may iaalok kang yosi. cut ulit!

Arlan Encarguez a.k.a "lan"
makulit din tong taong toh. galante din naman, sarap din kasama sa mga trip tulad ng tagaytay (bwahahaha) siya ang babaero ng tropa. ang dami kasing chiks nito hindi ko na lang sasabihin. ang laging kasama nito ay si rod. daming lihim ng dalawang toh. maingay ang bunganga ng taong toh. mabuburaot ka lang sa kanya. (bwahahaha) pero masarap din kasama. kasama ko lagi kumain ng tenga at dugo kela kuya mat. pag foodtrip ako dapat siya din. asar sa kanya ni kuya amboy ay "shrek". ewan ko nga ba. basta ang alam ko tumatawa ako ng napakalakas. at alam niyo ba na nurse ang ermats niya? at doctor ang tatay niya. kyot diba? cut!

Rodlim Ramos a.k.a "rod"
the silent type, pero madaming pang asar to. ingat kayo. galante din tong ungas na toh. nasa loob ang kulo maharot din katulad ng besfren niyang si arlan. mana-mana lang naman yan eh. mas marami ang drama niya sa buhay kesa kasiyahan. ewan ko nga ba diyan sa taong yan. dapat pre tawanan mo lahat ng bagay. may mas malaking problema ang dapat mong isipin katulad ng "umulan ba bukas?". may computer shop sila pero ang pwede lang maglaro ay miyembro ng pamilya. walang jo! nag shop pa kayo. sobrang mahiyain ng taong toh pero gwapings naman. pansin ko nga lagi pag may makakasalubong kaming chiks e sa kanya nakatingin eh. shytype lang talaga! okey? cut!

Ryan Louigi Javier a.k.a "wiji"
ang hightech na robot, tahimik pero pinaka wais sa lahat. kasu nga lang napaka torpe minsan. parang kailangan pang pindutin mo siya para gawin niya ang isang bagay eh. sarap din kasama. kapag nagugutom kami sa dorm siya ang nagsasalba sa amin dalawa ni tonton. patakas niya kaming kinukuhanan ng ulam sa karinderya nila. hobby matulog pag lasing at isa pa siyang "daredevil" walang delikado para sa kanya. isa sa malakas din uminom. mukhang koreano pero wala naman silang lahing ganun. kaya madami kaming nabibiktima pag may bagong kakilala. sabi namin koreano siya. ung mga tanga naman umi-english na. to namang taong toh best actor. (bwahahahaha). cut!

Juan Carlos Bautista a.k.a "ambo"
magaling to sa bilyar ayaw ko nga kalaban to eh. sarap kasama ng taong to, sobrang galante lahat kami gustong ilibre kami na lang ang nahihiya. lalo na pag dota kulang na lang ilibre niya kaming lahat. napaka maalalahanin, gusto niya kumpleto kami lagi pag may trippings, napaka solid trash talker din. (bwahahahaha) kasu lagi maaga nauwe. kahit hindi mo na sabihin sa kanya pag bumili siya ng yosi damay lahat ng barkada. (hahaha) ganyan si ambo. cut!

Miguel Bautista a.k.a "migz"
ang jollibee ng tropa. (bawhahahaha) para daw kasi siya si jollibee kamukha daw niya, dami talaga naiimbentong asar sa tropa. maalaga din katulad ng utol niyang si ambo. galante din parehas sila. kasu siya lagi ang dapat na umuwe talaga ng maaga dahil marami pa siyang gagawin sa dahilang siya ang panganay sa kanila ni ambo. cute tong taong toh. sarap din asarin. tagasaway sa amin. tumatayong kuya sa tropa. cut!

April Dwight Agliam a.k.a "dwight"
ang malupet na kasangga ni wiji boy. sarap din kasama kasi ang daming alam na kalokohan. sobrang maalalahanin din, lagi nga lang umuuwe ng maaaga kasi gabi nah. (ahahaha labo noh?) sayang nga lang wala siya nung last day. sayang talaga. medyo malungkot tuloy si wiji boy. faithful sa girlfriend niya. (idol) masunurin din pag kakampi mo siya sa dota. pag bigla silang nagtabi ni wiji boy asahan mo may inaasar na naman sila. (bwahahahaha) cut!

Peejay Targa a.k.a "PJ"
itext mo lang siya ora mismo nasa tabi mo na agad siya. siya ang dapat na hindi mawala sa happenings. great photographer. (bwahahaha) sarap magmasahe niyan sa likod grabe. para kang nasa spa! kasabayan namin ni tonton sa inuman, wala rin inaatrasan. lupet din magpayo kaya gusto ko din kasama toh. cut!

Jakarth Zacarias a.k.a "jeykart"
sarap burautin nito sa bilyar. (bwahahaha) eto ang taong madami ang kwento sa buhay, lahat na ata ng karanasan naranasan na niya, pwera na lang yung *toooooot* joke peace. sarap din kasama nito. kung kulang kayo ng drummer sa banda o gitarista kunin niyo siya, galing yan. siya ang isa sa close ni reynan. pansin ko kasi dati lagi sila magkasama. at pag wala ang isa para silang nagtataguan. ang bukang bibig ni reynan "asan si jeykart" at ang kay jeykart naman "asan si reynan" (peace tayo) bwahahahaha. cut!

Christian Rones a.k.a "chiban" at Liza Villarta a.k.a "liza"
bago ko lang nakilala tong taong toh, pero sa kaunting panahon naging close din kami nito, wala naman kwenta dati sa bilyar to e, tinatalo ko lang to. pero ngayon pag siya kalaban ko hindi ako makashoot. (bwahahahaha) at ang girlfriend naman niya ang hilig sa french fries tapos magchichillz sila lang dalawa. pero kyot ng couple na to nakakatuwa din pagtripan. si chiban magugulatin (bwahahaha) bumibigay ng hindi oras. mamimiz ko rin tong dalawang toh. hilig pa ni liza tawanan yung mga ginagawa ko. ano hindi pa rin makashoot? (bwahahaha) cut!

Katrina Martinez a.k.a "kat"
isa sa laging nawawala sa mga happenings ng tropa, kasi madami siyang tropa kaya hirap hagilapin, wala pa siya nung last day sayang. ang pusa ng barkada. kyot2x nitong babaeng toh. madaming gustong trip kasu nauuwe na lang sa pag upo ang pagmuni-muni. (bwahahaha) at yung pabango niyang imba na kahit pag nakatalikod ka pag naamoy mo na iyon alam mong nasa paligid mo lang siya. para talagang pusa eh. hindi ko naman sinabi na mabaho, mabango yun. kasu nga lang ang lakas sobra. isa rin siya sa pinakamatinding puyatera. cut!

Steven a.k.a "teban"
hindi ko naitanong kung ano ang kanyang apelyido. pero isa sa mga tagasalba ko yang taong yan pag gutom ako. lakas mag-inom imba. chickboy pati. (pahingi nga ako ng babae). mamimiz ko din tong taong toh. cut!

Archie a.k.a "chie"
isang napaka maingay na kainuman. (bwahahaha) pero sarap din kasama, hindi ka iiwan hanggang sa huli. lakas din uminom pero laging inom lang ang ginagawa niya at kumain. parang hindi ko pa nakita maglabas ng pera tong taong toh. (bwahahaha) matibay na sandigan toh. maangas pa! cut!

at ang aming itinuturing na profesor.....

Gilbert Domingo a.k.a "kuya dong"
ang aking tagapag salba kapag ako'y nagugutom at wala ng pera, (kuya dong may utang pa akong 100 sayo) napaka sobrang maalaga, ako na lang ang nahihiya sa kanya. pero ngayon hindi na. may kagat sakin lagi yan. (bwahahahaha) mamimiz mo rin ako kuya dong. sobrang mamimiz naman kita shet! ratbu? palku? lakas mangonsensya ng taong toh. dami rin alam na kalokohan. kuya dong mamimiz talaga kita!

Carmina Domingo a.k.a "ate carmi"
labandera daw sabi ni ace. (bwahahaha) dami talagang alam yun si ace. ang pinaka-masarap kulitin sa bilyaran noong nawala si kuya dong. sakay lang din sa trip ng barkada. cool tong chick na toh. (peace tayo).

ate RIA
hindi ko pala alam buong pangalan niya. edit ko na lang. isa din sa masarap kulitin sa bilyaran pumapatol kasi. (bwahahahaha) hindi ko alam kung marunong magluto tong si ate ria e. kasi sa tuwing magtatanong ako kung sino ang nagluto ng ulam sasabihin niya si kuya amboy pero minsan siya talaga ang nagluto pero tuturo niya parin si kuya amboy. ang sarap tuloy magluto ni kuya amboy. siya ang one true love ni kuya amboy.

at ang aming mahusay na profesor...

Rogelio known as "kuya amboy"
pasensiya na talaga hindi ko alam ang mga buong pangalan eh. mahusay sa bilyar lagi ako murder, lagi naman ako lumalaban. dami rin alam na kalokohan at pang asar. kaya gantihan lang sila ng makukulit naming barkada sa pang aasar. siya ang one true love ni ate ria. sakay sa ano mang trip pwera na lang inuman. at naiintindihan namin yun dahil kung hindi patay kami kay ate ria. (bwahahahaha) siya ang great teacher ni bok sa bilyar. cut!

dun sa mga hindi ko naisama wait lang kayo i-edit ko pa to. at aalamin ko pa ang buong pangalan ninyo. sa ngayon pasensiya na lang muna. at akoy tinatamad na mag type. gusto ko na sana kumpletuhin ngunit tinamad ako dahil hindi ko alam yung buong pangalan ng ibang kakilala ko eh. bwahahahaha. sobrang mamimiz ko kayo. lalo na yung baklang ace na yun at si kuya dong. sobra.!!!

No comments:

Post a Comment